Mouse shack an internet cafe

Internet Surfing, Online Education & Cyber Gaming
  To to Home Page, click HERE !  
 

Setting Up Internet Cafe / Magandang Business na Internet Cafe

Tambayan / Hang-up
Mga barkada, kaibigan, kababayan, kamag-anak, apo, anak, kapamilya o kapuso kayong lahat ay may lugar nang puwedeng istambayan o tambayan.

Bukod sa may paglilibangan kayo, may pagkaka-kitaan pa. Mayroon pang lugar na puntahan ang inyong mga parientes, kaibigan o mg kababayan. Dahil sa bukas kayo mula alas 10 nang umaga hanggang halos 11 nang gabi araw-araw. Pero kong Biernes, Sabado at Lingo kailangan hanggang alas dose nang gabi. Sa experiensa namin, ito ang mga oras na dapat bukas ang Internet Cafe. Walang fiesta opicial, puwede kayong bukas buong taon. tulad namin, dito na kami nag-ba-bagong taon o pasko o thanksgiving day. Dahil wala halos holy week ang mga tao dito kailangan din na bukas, puwede rin ninyong ipatao sa iba habang kayo ay nag-oobserve nang mahal na araw. Mas marami pa rin talaga ang hindi catolico dito sa america.

Kitaan Dito / Internet Cafe Profitability
Marami sa atin na hindi masyadong nakaka-alam nang negosyong tulad nang Internet Cafe, tulad nang profitability o anong tamang pagpapatakbo nito o ito'y ba ay para sa lahat. Ibig naming sabihin ay, ito'y hinding negosyo para sa lahat. Hindi kalakihan ang kita dito para mag-pasuweldo nang (3) tatlong tao para tumao o mamahala nang pang araw-araw na operation nito. Dahil kung magkaganon maliit na lang matitira sa mag may may-ari nito. Kaya ang aming suhestyon ay ang may ari nito ang mamahala at magpatakbo nito para ang kita nito na mas malaki at mapunta sa nag a-ari at hindi para sa pa suweldo lang.

Pinaka-magandang mag may-ari nito ay yong bang mga retired na, o yong hindi nag-tratrabo sa oficina o nahihinaan sa kita habang nag-tratabayo para sa ibang tao. Yong mga taong dis-able na hindi puwedeng mag trabayo nang normal o yong hindi puwedeng magtrabaho sa iba dahil sa kapansanan. Pero, puwedeng tumao at mag-bantay sa shop. Ito'y bagay sa ating matatanda o may kapansanan o walang balak mag trabaho sa iba. Ang mga matatanda ay malilibang dito bukod sa matututo pa silang mag computer. Sa kapuwa natin kikita kayo, pero hindi ito ang mayor na kita dito kundi galing sa maraming ibang tao na kalimitang gumagamit nang computer. Oo, dito sa america halos ay may computer ang mga tao. Pero, marami pa rin ang walang computer of walang internet connection sa bahay. Ang ibang computer ay kailangang malakas at mabilis at ito'y hindi ordinary na nasa bahay, kaya kailangan nila magpunta sa Internet Cafe. Tulad nang mga bata, ang games nila kailangang game computer at napakamahal nito, bukod sa ang mga bata ay gustong maglaro nang sila-sila o magkakasamang naglalaro. Dito lang sa Internet Cafe nila ito magagawa, dahil sa bahay ilang lang at hindi game computer lahat. Isa pa ang connection ay kailangan mabilis at kayang sustinehen ang bawat computer na naglalaro.

Maraming pagkakakitaan Dito / other related product lines &/or services
Tulad nang sumusunod:
1. Gamit nang mga computer
2. Scanning nang mga dukomentos
3. CD/DVD burning or writing
4. Printing (black and white o color)
5. Photo printing
6. Laminating
7. Photo copy
8. Fax (outgoing and incoming)
9. Puwedeng mag binta nang computer parts
USB flash drive, mouse, keyboard, speaker, CD or DVD disk, etc.
10. Puwedeng magbinta ng mga sumusunod na chi-chiria
Soda, chips, cookies, candies, chockolate at tubig na nasa botella
11. Phone cards
12. Money transfer/remittance at bill payment
13. Computer sales
14. Computer repair
Virus, data recover o re-istallation ng operating system.
15. At kong marunong-runong kayo ng tutorials sa lahat nang bagay o isang bagay tulad nang math o computer puwede rin
16. Setting up WiFi or HotSpot.
17. Web Design at iba pa.

Branch Out / Mag-parami
Kung nakapagtayo kayo nang isa, hindi namin sinasabing sapat na yon para sa inyong negosyo. Puwede kayong mag branch out, ito'y kung kayang ninyong gawin at i-manage. Hindi kayo limitado sa isa, kahit ilang kung kaya, okey lang supportado namin kayo at itatayo natin ito.

Start and Sell
Marami sa ating mga negosyate o hindi ay nag-bubukas ng negosyo at pag ito'y nakatayo na, saka nila ito ibebenta. Dahil sa concepto na mahirap mag simula o magtayo nang isang umuunlad na negosyo. Marami sa atin takot magsimula, pero kayang sumulong at bumili nang nakatayo nang isang establisimiento or negosyo. Sa dahilang, hindi mo na dadaanan ang hirap nang proceso nang pagreregistro o lisensing.

Idea about the business (Internet Cafe)
Wala na kayong i-intidihin tongkol sa history o kung ito'y talagang kumikitang negosyo. Opo, pero ito'y depende sa setup ninyo at sa dami nang computer at classe nang computer na pagagamit sa mga clientes. Halinbawa na lang ang Pilipinas, napakarami nang internet cafe at sila-sila ang nag-lalaban sa servicio at precio nang gamit kada ora. Marami sa kanila sa silong nang bahay o maliit na puwesto na may ilang computer at nagtitinda-tinda nang kung ano ano lang. Hindi ganito ang itatayo natin. Yong bang hindi bababa sa 50 na computer at ilang x-box para makasiguro tayo nang kita. kung mas marami mas okey ang kitaan. Tulad ito nang pinas, yong mga nasa mall ang puwesto at hindi sa bahay-bahay lang.

Running the business (Internet Cafe)
Sa araw-araw kailangan may ta-tao sa puwesto. Malaking bagay na may supporta kayo na kasamang bahay tulad nang asawa, anak o mahal sa buhay at kong may roon kayong mga apo. Dahil ang mga bata ang mas marunong gumamit nang computer sa panahon na ito. Mas malawak ang kaalamanan nila, lalo sa pagpapaikot nang computer tulad nang internet o online thing.

Marami sa ating customer or parokyano a halos walang alam o kakaunti ang nalalaman sa pag-gamit nang computer. Kaya, madalas tutulongan natin sila.

Tayong may-ari, kadalasan wala tayong alam kaya hindi natin ito sinusubukang negosyo. Pero, sa umpisa lang, kalaunan matutuhan din natin. Dahil sa araw-araw kaharap natin sa ating internet cafe ay napakaraming computer kaya napipilitan tayong alamin ito sa ating kusa o sa tulong ang ibang kapamilya o kapuso. Pero, kung sa palagay ninyo ay mahihirapan kayo, subukan munang pumasok sa adult school para matututo nang computer bago pasokin ito o kung walang makakatulong sa inyo na matututo nang computer.

Support from us - CyberXspace
Halos lingo-lingo ay mayroon update o patches ang mga games; kaya gumawa kami nang website na puwede ninyong visitahin kada lingo at alamin kung ano ang bagong balita sa mga update o bagay-bagay na dapat natin gawin para sa maintenance nang ating regular at game computers. At yong mga computer na kailangan i-ayos, may suggestion kami na dapat mayroon kayong at least 2 computer bawat classe para pamalit sa may mga deperencia. At yong may diperencia, dapat ninyong ayosin at kung wala kayong gumagawa nito ay puwede ninyong ipadala sa amin at ibabalik naming sa inyo nang maayos tulad nang dati. Yong ibang problema a puwede ninyong itawag na lang sa amin (via phone) para maayos agad.

Start-Up of Internet Cafe
1. Money - Ipon or savings/Galing sa ka-anak o kaibigan/credit (banko o credit card).
2. Puwesto - lugar nang business.
3. Lisensya nang business.
- Magtanong muna sa municipio; alamin ang ordinansya at magtanong kung possible mag set-up ng Internet cafe o PC club.

Support
1. Application of T1 connection
2. Cabling/Installation - connection.
3. Computer installation
3. Networking
4. Monitoring program
5. Furnitures
a. Tables/chairs
b. Fridge
c. Display cases

HOTspot
Install and set-up hardwares and software.

Computers, Supplies & Maintenance
1. All new or used - with windows, etc.
2. Games
Maintenance - virus/re-formating - in site or shop
- Update & patches

Upside and Downside of Internet Cafe
Marami sa mga nag sara nang mga internet cafe ay pagkakamali nang mga nagtayo nito. Tulad ng mga Koreano na nagtayo dito, nagtayo doon, at nagtayo pa rin. Ini-isip nila na malaki ang kikitain nang bawat isa at pag pinagsasama at napaka laking kita. Mali, itong negosyo na ito ay matatawag na "mom and pop" business na pang pamilya. Pero, kung gusto mong malaki talaga at may emplyado ka, kailangan malaki ang iyong itatayo, may 200 daang computer at mas pa. Ito ay ayon sa panibagong level nang negosyo na tatalakayin ko sa susunod na mga araw.

Kaya and downside nang business na ito ay pang pamilya. At and upside nag negosyong ito ay kumikita at maganda ang kita para sa pamilya. at kung malaki ang pamilya o maraming makakatulong sa ating, yan puwede kang mag branch out o magtayo nang ilan.

Secret of the Business (Internet Cafe)
Marami ang sikreto ng business na ito, ang totoo puwede kong masabi at maisulat ang lahat ng ito. Pero, kung ito'y lalabas at malalaman ng lahat, ano na lang ang mangyayari sa industria na ito. Magiging sari-sari store style na ito na mayroon bawat kanto. Ang 7 Eleven at mga convenient stores may mga sikreto rin na hindi pinag-uusapan, tulad nang pagtatayo at kung paano ito pinatatakbo o i-manage. Hindi ito tulad nang internet cafe halos naparami ng nag-pra-franchise; napakarami and gustong mag broker/consultant o ma-involve para ang isa sa atin ay magtayo rin. Marami sa kanila ang nagsasabi na puwede kang mag-umpisa nang isa (1) o limang (5) computer lang. Hindi i-sina-suggest na gaming 10 o mas maraming computer and kailangan para kumita. Dahil ang 10 hanggang 20 ay matatawag pa rin natin na micro business at hindi pa small business. Sa dahilang ang kita nang micro business at sapat lang para sa may-ari matapos bawasin ang gastos nang business every month. Ang small business ay negosyo na puwede kang mag pasuweldo nang kaunti, para kung ikaw ay may lakad o may oras na may personal na gagawain tulad nang pag-asikaso nang pamilya. Sa dahilang hindi kaya nang nag-may ari na tumigal nang araw-araw mula mag bukas hanggang mag sara, bukod sa mahabang oras at may pang sarili din tayong lakad o responsibilidad sa pamilya, religion at social obligations.

Sabi nila may lima ka o sampung computer ay kikita ka na at matatawag ka nang negosyante dahil may internet cafe ka na. Lahat nang ito'y hindi makatutuhanan, ang isang industry ay negosyo na may tamang kaalaman, pamamalakad at tamang processo. At dahil dito, ito ay may mga sinusundan alintuntunin at pamantayan para ito maging isang industria. Halintulad sa Pinas, ang internet cafe ay nagiging parang sari-sari store mania. Kahit sino, kahit hindi kanto, kahit sa ilalim nang bahay, kahit saan basta may pupuwestohan gagawin na lang internet cafe.

At dahil nagiging palatak ang negosyo na ito, wala tuloy itong business ethic na sinusundan, tulad nang precio-han, dikit-dikit, tabi-tabi, tuloy hindi sila makapagbigay nang tamang servicio at tamang ambient sa loob nang kani-kanilang internet cafe. Basta may computer, may mesa, may silya okey na. Ito ay nang-yayari sa bawat sulok nang pilipinas.

Opo, kikita sila tulad ng pinag-usapan natin sa simula. Pero ang suggestion ko ay ang negosyo na ito ay para sa matanda na retired o may kapansanan o mga tao na ayaw magtrabaho sa iba o hirap makakita nang trabaho. Ngunit ito ay negosyo na may puhunan, panahon gugulin at servicio na inilalaan para ito tumakbo at kumita nang sapat at hindi kung magkano lang.

Sa pinas na lang, kailangan malaman natin kung magkano and internet connection o DSL, ano and speed sa download at upload at ilang computer lang ang talagang tatakbo sa connection na ito. Kailangan naman kasiyasiya ang paggamit nang internet, pero dahil mabagal ang connection at pinaghahatian pa nang ilang computer nakaka-dismaya. Naroon ako at nakita at nasubukan ang mga internet connection sa Pinas, talagang mabagal pa rin. Sa dahilang yong mabilis ay napakamahal ang buwanang singil. Ang internet connection ay parang daloy nang tubig sa gripo na mahina ang pressure at bukod sa marami ang gripong nakakabit at may sabay-sabay na sumasahod, mai-intidahan natin kung gaano katagal bago mapuno ang isang balde. Ganyan din ang internet connection, ang laki at bilis nito ay pinaghahatian nang nabukas na computer.

Dito sa America, and DSL connection ay para lang sa bahay-bahay at hindi puwedeng gamitin sa internet cafe. Hindi sapat ang capacity nito para magpatakbo nang lima hanggang sampung computer. At kailangan sa internet cafe ay yong connection na pareho ang speed nang download at upload. Pero, sa DSL mas mataas and download sa dahilang marami sa atin ang madalas mag-download, ngunit and upload nang DSL ay napakabagal. Halos 10% o mas mababa pa dito ang bilis compara sa download. Marami pang classe nang DSL dito sa America, may mabagal at may mabilis, depende sa gusto mong bayaran. Ito ay tulad din nang Pinas.

Kaya kung ito ay binabasa nang mga taga Pinas. Hinay-hinay lang, wag padadala sa sabi-sabi na ito ay maganda ang kitaan. Dahil kung padadala sa marami dyan, para ka lang nagnegosyo ng sari-sari store na maliit o francised na nasa kariton na itinutulak-tulak sa kalsada para maglako nang paninda o chicheria.

Gaya nang sabi sa unang bahagi nang articulong ito ang ating puntirya ay para matawag itong small business na mas magandang patakbohin nang "mom and pop". At para sa kanila, tama lang ang kita, ito ay kung mayroon kang at least 50 computer o higit pa. Bababa dito, hindi na natin masasabing okey na negosyo. At kung may ilang puwesto ka sa ibang-ibang lugar, ito ay matatawag na nating small business o nasa categoria na tayo na isa tayo sa internet cafe industry.

Statistico tungkol sa Small Business in America
Nakuha ko ang tala na ito galing sa internet at sa isang articulo. Sinasabi na dito sa america ang mga migrante na nag-may ari nang small business ay ang sumusonod, ito mula sa pinakamarami pababa:

Greek sunod ang Iranian, tapos ang mga sumusonod ay Italian, Polish, Mexicans, koreans, Indians (Bombay), Chinese, Vietnamese, Canadians at Cubans.

Walang sinasabi sa tala na ito na ang Pilipino ay kasali sa mga nag may mayari nang small business. Pero sa tutuo lang marami sa atin ang na sa negosyo, tulad nang restaurant, balik bayan box, money remitance, sea food store at iba pa. Pero dahil sa ang Pinoy establishment ay para sa pinoy din halos ang parokyano at hindi para sa general public, kaya hindi siguro ito isinali sa tala. Bukod sa hindi naman tayo napakarami. Karamihan sa mga nationalities na nabangit sa itass ay nag may mayari nang mga negosyo na nagtitinda para sa karamihan ng residente sa communidad at hindi tulad nang pinoy business na para kalimitan para sa pinoy din. Tulad nang restaurant, ang mga luto dito ay hindi basta nakakain nang kahit sino dito. Sa Sea Food Supermarket, ang iba ay ayaw ng pumasok sa mga susunod, dahil hindi nila gusto ang amoy sa loob nang tindahan dahil sa mga pini-pritong nating isda. May ibang negosyo rin dyan tulad nang video store, bakeries, marami pa pero dahil ang ang prokyano ay kalimitang mga pinoy din.

Gaya nang sabi ko bakit hindi tayo mag negosyo nang para sa pangkalahatan at hindi lang para sa ating mga kababayan lang. At kung ipaaalala niyo sa akin bakit ang medical business tulad nang care homes at tulad nang ito ay hindi nabangit na pinoy business. Dahil marami sa atin ang may isa, o may dalawa, o higit pa, ngunit dahil ito'y ibang kategoria na masasabi nating nasa medical field na ito.

Click for bigger picture !
Vermont St., Los Angeles, California
Click for bigger picture !
Vermont St., Los Angeles, California
Click for bigger picture !
Carson St., Carson, California
Click for bigger picture !
Pioneer St., Artesia, California
Click for bigger picture !
Norwalk Bl., Cerritos, California
Tulad na lang ng mga business na ito in Los Angeles : Dito narito ang restaurants, pastries, sea food, balik-bayan, remittance at iba pang nabangit ko sa articulong ito.

This is not a Internet Cafe Total Franchise, but part franchise and part consulting
Itatayo namin kayo at tuturoan nang bawat hakbang at paraan ng pagpapatakbo nitong negosyo at gagabayan habang tayo ay kapamilya o kapuso - walang iwanan. Kaya ninyo ito.

Hindi kayo susunod sa pangalan nang mother company, mayroon kayong karapatan mag simula nang inyong sariling pangalan nang business. Hindi namin kayo hihilinging na gamitin ang ating pangalan. May tsancha kayong mamili nang inyong sariling pangalan.

Mayroon lang kaming pakiusap, gagamitin nating ang maliit na logo sa anoman printed paper of signs na gagawin ninyo - maliit lang na dagdag na sinsabi nang ganito - "Powered by: CyberXspace". Ito yong official logo nang ating original na company. Tulad ito nang halimbawa ng Powered by Yahoo. Ang website nito ang magbibigay nang information nang bawat location ang ating internet cafe.

Now Start your Internet Cafe
Kung kayo ay may ini-isip na negosyo - bakit hindi, lalo na kung ito ay nasa kategoria nang internet cafe. Halina kayo, marami pang panahon ang ating pagsasamahan - pag-usapan natin ito.

Sa ngayon ang mga Koreano ang may hawak nang korona sa negosyong ito; bakit hindi natin kunin ito, dahil kaya natin ito. Tayong pinoy ay mas may tiaga, mas may sinasabi tayo pagdating sa karisma sa prakyano, mas may "it" tayo.

Mechanics & Technicalities of Internet Cafe Business
These subject will be discuss personally with proponents: The actual number of computer; footage of the space and nature of operation. Equipment, hardwares, features, furnitures and other things will be taken care in figures. Type of set-up will be decided, choosing from "mom & pop" or something bigger in concept will be the option of intending business operator(s).

Go Back to Top of the Page!

Contact Us
Ask for Ana
Telephone No. 1-562-569-1027
Fax No. 1-800-707-1348
E-mail address: cyberxspace@gmail.com
mouse shack

Copyright ©2009 MouseShack .com